My Journal in General Surgery at Ospital ng Maynila Medical Center

Home | SRP 2008 | CMPDSI 2008 | HPE - CPG 2008 | MAR 2008 | Journal Appraisal 2008 | Research 2008 | Case Report 2008 | PBLI 2008 | Curriculum Vitae | Ospital ng Maynila Medical Center | Table Of Contents | Our Department

Enter subhead content here

 
Ligtas ba ang laruan ng anak nyo?
Robelle Joan A.  Peralta, MD
 
     Papalapit na naman ang Pasko, ang panahon ng kainan, lalong lalo na nang bigayan.  Kahit na mahirap ang buhay ngayon, nais pa rin nating makapagbigay ngiti sa ating mga mahal sa buhay lalo na sa mga bata.  Ito rin ang panahon na ang tao ay dumadagsa sa mga murang tindahan tulad ng Divisoria.  Ito ang lugar kung saan bagsakan ng mga kalakal na bagsak presyo rin.  Oo nga’t mura pero ang nakakabahala dito ay di tayo nakakasiguro kung nagdaan ito sa quality control kung saan sinusuri ang mga produkto sa batayan ng kalidad at kaligtasan nito sa mamimili.
     Ang lead ay isang pangkaraniwang elemento na makikita sa gasolina, pintura, mga tubo ng tubig na matagal nang ipinagbawal dahil sa kanilang masamang epekto sa kalusugan ng tao.  Pero may mga produkto pa rin na lead-based na syang patuloy pa rin na nagbibigay kapahamakan sa atin lalo na sa mga bata.
     Nitong mga nakalipas na taon, maraming laruan na gawang China ang narecall o naalis sa mga tindahan sa America dahil ayon sa mga pagsusuri ay napatunayan  na mayroon lead ang pinturang ginamit dito.  Ang mga batang naexpose dito ay nakitaan na may mababang IQ at mahina ang kakayanan sa eskuwelan.
     Kung iyong iisipin, ang mga laruan kaya na nilalako sa Divisoria ay dumaan sa ganyang pagsusuri?  Oo nga’t abot kaya pero ito kaya’y ligtas?  Maging mapanuri tayong mamimili. Hindi lahat ng mura ay maganda ang kalidad at pinakamahalaga sa lahat, ligtas.

 

 


Enter supporting content here